-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagulantang ang mga residente matapos madiskubre ang malamig na bangkay na sakay sa isang nakapasarang sasakyan sa Hilltop, Barangay Langud, Davao City

Malamig na na bangkay ng maabutan ang isang 25 anyos na driver na si alyas Ben, residente ng South Pacific Subdivision, Catalunan Pequeño, nitong lungsod.

Ayon sa isang vendor na si Marie Tubay Rivas, na nakadiskubre sa biktima, napansin niyang nakapark ang sasakyan pasado alas dos nitong madaling araw.

Sa tantsa ng witness mahigit dalawang oras na naka standby ang sasakyan at naka on pa ang engine nito, hanggang sa namatayan ito ng makina.

Sa tagal ng pagkaka park ng sasakyan sa gilid ng daan ay minabuti nitong i-check, na nagresulta sa pagkadiskubre sa driver na nakahandosay na sa driver’s seat.

Dali-dali namang tumawag si Rivas ng tulong sa Central 911 kung saan hinihinalang, suffocation ang ikinamatay ng biktima.

Sa kabilang dako, nag desisyon ang pamilya ng biktima na isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima upang mapatunayan na suffocation ang dahilan ng pagkamatay nito.