Nasa 25 pang bagong kaso ng coronavirus sa mga Pinoy sa abroad ang naitala ngayong araw.
Ayon sa DFA, umakyat pa sa kabuuang 9,933 kumpirmadong mga kaso ng mga overseas Filipinos ang nahawa sa virus.
Samantala, meron din namang 16 na bagong recoveries ang naitala sa mga kababayan sa Middle East, Africa, Asya at sa Pacific region.
“To date, the Middle East remains to be the region with the most number of confirmed COVID-19 cases among Filipinos abroad, including daily new cases, recoveries, under treatment, and fatalities,” bahagi pa ng Twitter post ng DFA. “In comparison, the Asia and the Pacific region records the lowest numbers in all categories, except in the total number of recoveries, where the Americas ranks last with only 454 recoveries.”