-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pormal nang binuksan sa mga pasyente ang 25 bed capacity sa extension building ng Cauayan District Hospital (CDH).

Ayon kay Dr. Herrison Alejandro, Chief ng CDH, hindi na nagkaroon ng inagurasyon para sa pagbubukas ng nasabing extension building na pinondohan ng Department of Health region 2.

Anya, kasunod ng pagbubukas ng extension building ng CDH ay inaasahang madadagdagan rin ang mga kawani ng nasabing pagamutan.

Ayon kay Dr. Alejandro, patuloy rin ang isinasagawang renovation ng nasabing pagamutan kung saan inuna nilang ayusin ang bubong nito upang mawala na ang mga tumutulong tubig sa loob ng ospital lalo na tuwing tag-ulan.

Bukod rito ay inaayos na rin ang kisame at nilalagyan ng water sprinkler ang nasabing pagamutan na maaring gamitin sakaling magkaroon ng sunog.

Samantala, kasalukuyan rin ang isinasagawa ang construction ng karagdagang 50 Bed Capacity na Extension Building ng pagamutan.