Umabot sa dalawampu’t limang malalaking kumpanya ang naghain ng bid para sa apat na airport project sa bansa, matapos isagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang submission at opening ng bid.
Ang mga airport project ay kinabibilangan ng Laoag International Airport development project na may pondong P596.5 million, Vigan airport project na may P72.4 million na pondo, Borongan airport development project na popondohan ng P193.9 million, at ang Central Mindanao airport development project na popondohan ng P281.2 million.
Ang apat na proyekto ay may kabuuang pondo na P1.15 million.
Sa 25 na malalaking kumpanya, anim rito ay para sa Laoag Airport.
Walong kumpanya ang nagpakita ng interes sa Borongan, tatlo para sa Vigan, at walo para sa Central Mindanao.
Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na prayoridad ang pagsasa-ayos at pagpapalawak sa mga nasabing airport upang mapagbuti pa ang air connectivity sa bansa.