Tiniyak ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) na patuloy nilang binabantayan ang 25 election areas of concern mula sa Northern Mindanao at Caraga Region.
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa bansa.
Ayon kay EastMinCom Spokesperson Major Salvacion Evangelista, ang nasabing 25 election areas of concern ay bahagi ng kanilang areas of responsibility.
Kabilang sa areas of concern ang San Luis, Sibagat, Prosperidad, Esperanza, Bunawan, Loreto mula sa Caraga Region.
Kasama rin dito ang Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur.
Tinukoy rin ng tagapagsalita ng EastMinCom ang mga lokal na pamahalaan sa Surigao del Sur kabilang na ang Tandag City, Cortez, Lanuza, Lianga, Marihatag, San Miguel, San Agustin at Tago.
Nagdeploy na rin aniya ng karagdagang tropa at pwersa sa mga natukoy na lugar.