-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan – Nakatakdang ipasara ang ilang mga establisimento komersiyal sa isla ng Boracay.

Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation and Management Group (BIARMG) head Natividad Bernandino ang closure ay ipapatupad dahil sa kawalan ng kaukulang permit habang ang iba ay may mga building na may overhang.

Ang isinagawa umanong operasyon nitong Lunes ay inaasahang masusundan pa.

Pinapa-revoke rin ni Natividad ang business permit ng mga establisimento na may paglabag sa 25+5 meter easement sa kalsada at baybayin na hanggang sa ngayon ay hindi nagsasagawa ng self-demolition.

Sinisi rin ng BIARMG ang dating OIC head ng CENTRO-Boracay dahil sa pag-isyu ng compliance certificate sa mga may ari ng nasabing building kahit na hindi pa natibag ang kanilang overhang.

Ilan sa mga pinadalhan ng notices of violation ang parmasya, cellphone shop, restaurants, grocery store, laundry shop at isang bangko.