-- Advertisements --

Umabot sa 25 firecracker-related injuries (FRI) ang naitala ng Department of Health (DOH) sa kasagsagan ng Christmas celebration.

Ito ay binubuo ng 23 mga lalake at dalawang babae.

Malaking porsyento nito ay may edad labing siyam (19) o mas bata pa.

Ang 25 kaso ng mga FRI ay sa kabila ng regulasyon sa paggamit ng mga paputok.

Muli ring ipinaalala ng DOH sa publiko ang pag-iwas sa paggamit ng paputok dahil sa nilalamang toxic materials na mapanganib sa kalusugan, lalo na ng mga bata.