-- Advertisements --
Magpapakalat ng nasa 25,000 na sundalo ang South African government.
Ito ay para maaresto at pigilan ang mga nagsasagawa ng karahasan at pagnanakaw.
Isa rin aniya itong paraan para pigilan ang posibleng maganap na riot matapos ang pagkakakulong kay dating Pangulong Jacob Zuma.
Umabot na rin sa 72 katao ang nasawi at mahigit 1,700 ang inaresto dahil sa laganap na pagnanakaw.
Unang naglagay ng 5,000 na sundalo subalit nagdesisyon si Defence Minister Mapisa-Nqakula na gawing 25,000 ang mga sundalo na ilalagay sa dalawang probinsiya na labis na naapektuhan ng kaguluhan gaya sa KwaZulu-Natal at Gauteng.