-- Advertisements --
Nasa 25 katao ang nananatiling nawawala matapos ang naganap na malawakang avalanche sa Uttarakhand sa northern India.
Sinabi ni Senior district official Sandeep Tiwari na ang 32 na mangagawa sa lugar ang nailigtas at dinala na ang mga ito sa malapit na army camp.
Tumama ang avalanche sa Border Roads Organisation (BRO) camp ang lugar sa Mana na siyang border nila ng Tibet.
Naging malaking hamon sa mga rescuers ang operasyon nila dahil sa makapal na pag-ulan ng yelo sa lugar.