-- Advertisements --

Aabot na sa 25 katao ang naitalang namatays sa pananalasa ng malawakang pagbaha dahil sa sama ng panahon sa Bangladesh na nag-iwan sa mahigit 4 million kataong stranded.

Karaniwan ng nangyayari ang pagbaha lalo na sa mga low-lying areas sa Bangladesh subalit ayon sa mga eksperto isa sa nagpalala ang climate change.

Nasa 21 katao ang namatay matapos matamaan ng kidlat.

Ilan dito ay tatlong bata nasa edad 12 at 14 anyos na binawian ng buhay matapos tamaan ng kidlat sa Nandali town.

Apat na katao naman ang nasawi dahil sa landslides sa hillside sa port city ng Chittagong.

Ayon kay Sylhet region chief government administrator Mosharraf Hossain, tumindi pa ang baha nitong umaga ng sabado kung saan walang suplay ng kuryente sa halos buong rehiyon.