BUTUAN CITY – Umabot sa 25-kilo ng iba’t ibang klase ng basura ang nakuha ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na sumali sa isinagawang Inter-Agency Scubasurero sa karagatan sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte.
Ito’y pinangungunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Caraga bilang parte ng kanilang nakahanay ng mga aktibidad para sa Month of Ocean nitong Mayo.
Ayon kay Philippine Coast Guard Ensign John Emman Calva, nakuha ang naturang mga basura sa karagatan ng Brgy. Tagcatong at Cahayagan sa nasabing bayan na karamihan ay mga single-use plastic gaya ng mga supot na nasa ilalim na ng dagat.
Dagdag pa ni Calva, hindi lang dapat sisihin ang mga residente at mga bisita ngnaturang lugar na naka-contribute sa dami ng mga basura dahil may naanod din umano mula sa mga ilog at sapa.
Nilinaw naman ng opisyal na bahagi ng kanilang trabaho na protektahan ang kalikasan kasama ang iba pang mga ahensya ng gobyerno sabay pahayag na layunin ng ka kanilang ginawa ay upang mapa-abot sa lahat na ang mga simpleng basura na itatapon kahit saan ay makakain ng mga wildlife at maka-apekto pa sa ating mga rekursos naturales.