VIGAN CITY – Makatatanggap ng 25 kilos na bigas ang bawat residente sa syudad ng Vigan na fully vaccinated na kontra sa Covid19.
Ayon kay Mayor Juan Carlo Medina, ang nasabing hakbang ay upang mas mahikayat ang iba pang mga residente na hindi pa nakapagpapabakuna upang maabot nila ang kanilang target na maproteksyonan ang lahat ng mga residente ng syudad.
Upang matanggap ang nasabing benepisyo ay kinakailangan na nabakunahan mismo sa syudad, fully vaccinated at residente ng Vigan City.
Mabeberipika muna umano ang mga residente bago sila mabigyan upang masigurado na qualified sila sa nasabing benepisyo.
Target ng Vigan City government na matapos ang pamimigay nila ng benepisyo sa mga fully vaccinated sa Disyembre at sa ngayon ay patuloy ang kanilang distribusyon.