-- Advertisements --

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco,na mayroong dalawampu’t limang mga kongresista ang nadagdag bilang complainants sa inihaing impeachment compaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag sinabi ni Velasco na ang nabanggit na bilang ay nagsumite ng kanilang verification forms bilang complainants ng naturang reklamo.

Ang mga ito ay mula sa LAKAS-CMD Party na sina Biñan Rep. Marlyn “Len” Alonte, Cagayan Rep. Ramon Nolasco Jr., Isabela Rep. Tonypet Albano, and Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, Leyte Rep. Carl Nicolas Cari, Masbate Reps. Richard Kho, Olga “Ara” Kho, and Wilton Kho, Negros Occidental Rep. Emilio Bernardino Yulo, Quirino Rep. Midy Cua, Sultan Kudarat Rep. Princess Rihan M. Sakaluran, and Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr.

Kabilang din dito sina Ako Bicol Rep. Zaldy Co, Pangasinan Rep. Arthur Celeste (Nacionalista Party), Cavite Rep. Adrian Jay Advincula (National Unity Party), Tarlac Reps. Noel “Bong” Rivera (Nationalist People’s Coalition) and Christian Tell Yap (Sama-Sama Tarlac), Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr. (Liberal Party), Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon, GP Rep. Jose Gay Padiernos, Ako Ilocano Ako (AIA) Rep. Richelle Singson, Kabayan Rep. Ron Salo, Sagip Rep. Caroline Tanchay, Abono Rep. Robert Raymund Estrella, and ACT-CIS Rep. Edvic Yap.

Paliwanag pa ni Velasco na ang mga kongresista ay hindi nakadalo ang oath-taking at verification dahil sa ibat ibang mga commitment.

Subalit nagsumite aniya sila ng kani-kanilang verifications sa Kamara para gawing pormal ang kanilang suporta sa impeachment proceedings.

Sinabi ni Velasco sakaling pahintulutan ng Senate Impeachment Court na maisama ang mga humabol ay aabot na sa 240 ang signatories ng complaint na kumakatawan aniya sa supermajority ng halos 80-percent ng Mababang Kapulungan na binubuo ng 306 house members.

Kapag na-convict matatanggal sa pwesto at habang buhay ng ban para humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.