Tinatayang nasa 25-milyong mga mamamayan ng Iran na umano ang dinapuan ng coronavirus.
Ayon kay Iranian President Hassan Rouhani, batay sa report mula sa kanilang Health Ministry, nasa pagitan ng 30-milyon hanggang 35-milyon na raw ang nanganganib na madapuan din ng sakit.
Dahil dito, iginiit ni Rouhani na kailangan ng kanilang bansa na matiyak na sapat ang mga hospital beds para sa mga pasyenteng nasa malalang kondisyon.
Pero base sa opisyal na datos mula sa mga health experts, nasa mahigit 270,000 pa lamang ang mga kaso ng COVID-19 sa Iran.
Hindi naman isinasapubliko pa sa ngayon ang report na binanggit ng presidente.
Sinasabing ang Iran ang isa sa mga bansa sa Middle East na may pinakamaraming kumpirmadong virus cases.
Halos 14,000 na rin ang namatay sa Iran bunsod ng deadly infection. (Kyodo News)