Pumasok na rin sa deal ang pamahalaan ng Australia sa higanteng pharmaceutical company na AstraZeneca para sa vaccine laban sa COVID-19.
Inanunsiyo ng Australia na sa ilalim ng kontrata maging sila ay magsasagawa nang pag-manufacture ng vaccine at bibigyan nila ng libre ang 25 milyon nilang mamamayan.
Ang British-based na AstraZeneca na puspusan din ang pag-develope ng vaccine kasama ang Oxford University ay nasa Phase 2 at Phase 3 na ng trials.
Ang resulta nito ay inaasahan namang ilalabas bago matapos ang taong ito.
Agad namang ipinagmalaki ni Australian Prime Minister Scott Morrison na ang Oxford vaccine ang isa sa pinagka-advance ngayon na inaabangan ng mundo.
“The Oxford vaccine is one of the most advanced and promising in the world, and under this deal we have secured early access for every Australian,” ani Morrison sa isang statement. “If this vaccine proves successful we will manufacture and supply vaccines straight away under our own steam and make it free for 25 million Australians.”
Una nang kinumpirman ng drugmaker na ilang bansa na ang omorder din sa kanila na umaabot na sa 3 billion doses ng vaccine.
Ang unang delivery ay sa buwan na ng Setyembre.
Sinasabing ang Estados Unidos ay may deal din sa AstraZeneca para sa 300 million doses para sa October delivery.
Ang ilan pang bansa na nag-aantay din ng supply ay ang Russia, South Korea, Japan, China at Brazil.
Ang European Commission ay nag-order din ng aabot sa 400 million doses para sa lahat ng miyembro na mga bansa sa ilalim ng European Union.
“This first vaccine agreement with the European Commission will ensure that millions of Europeans have access to the AZD1222 vaccine following its approval. With production in our European supply chain soon to be started, we hope to make the vaccine available widely and rapidly, with the first doses to be delivered by the end of 2020,” bahagi pa ng ulat ni Pascal Soriot, chief executive officer ng kompaniya.