-- Advertisements --
Nakapag-secure na ang Pilipinas ng 25 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa nasabing kabuuang bilang, nasa 50,000 doses ang kabilang sa unang batch na inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.
Habang ang iba pang batch ay darating sa mga susunod na buwan at inaasahang makokompleto ang 25 million doses pagsapit ng Disyembre.
Kaugnay naman sa iba pang bakuna mula sa ibang pharmaceutical companies, inihayag ni Sec. Roque na sa Hunyo inaasahan ang pagdating ng bakuna mula sa Pfizer habang sa Hulyo naman ang mula sa AstraZeneca.