-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nabiyayaan ng Starter Kits para sa Free-Range Chicken Production Project ang abot sa 25 miyembro ng Head, Heart, Hands and Health o 4H Club Kidapawan City.

Ito ay sa pamamagitan ng Binhi ng Pag-asa Program ng Dept of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI 12 kung saan ginawa ang pamamahagi sa Kidapawan City Trading Post, Barangay Magsaysay.

Kabilang sa starter kit na tinanggap ng mga benepisyaryo ay ang mga sumusunod: 12 heads of two-month-old chicken, 1 bag feeds, 10 meters net, 1 unit of 262 egg capacity incubator (per LGU).

Layon ng BBP ng DA-ATI na mapalakas pa ang kakayahan ng mga 4H Club members partikular na sa pagpapalago ng livelihood project tulad na lamang ng free-range chicken production.

Naisagawa ang distribution ng starter kits sa pamamagitan ni 4H Club Cotabato Provincial Coordinator Judy Gomez kasama ang ilang personnel mula sa Office of the Provincial Agriculturist.

Sinaksihan naman ito ni Marissa T. Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan kasama ang personnel na si Charity S. Tayapad.