BUTUAN CITY – Umaabot na sa 25 ang naitalang suspect cases ng COVID-19 sa Caraga region base na sa ipinalabas na situational report No. 71 ng Department of Health-Center for Health and Development (DOH-CHD) Caraga.
Pinakamarami nito ay naitala sa lungsod ng Butuan na umabot sa 13 habang tatlo sa lalawigan sa Agusan del Norte at tig-dadalawa naman sa Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur at Tandag City sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Nagtala naman ng tig-iisa ang mga lalawigan ng Agusan del Sur, Surigao del Norte at Sur ug ang Bislig City sa Surigao del Sur.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa Southern Philippines Medical Center ng Davao City para sa specimen testing pati ang activation ng kanilang operation center para naman sa istriktong monitoring ng mga persons under monitoring (PUMs) kaagapay ang mga local government units.