Umabot sa 25 na mga sasakyan ang natiketan ng Metropolitan Manila Development Authority sa isinagawang clearing operations ang MMDA Special Operations Group – Strike Force.
Ilan sa mga ito ay mga kotse, van at ilang mga motorsiko.
Bukod sa mga nahuli, 10 naman sa mga ito ang hinatak o na-tow ng naturang ahensya dahil ang mga sasakyan ay ilegal na nakaparada at nasasakop na umano ang mga bangketa.
Ang nasabing clearing operation ay isinagawa sa ilang bahagi ng Quezon City partikular na sa Del Monte Ave., G. Roxas St., D. Tuazon, Tinagan St., Mauban St., Sto. Domingo, Dapitan St., Matimyas St., San Jose St., at N. Ramirez St.
Samantala, patuloy naman ang babala ng Metropolitan Manila Development Authority na huwag i-park ang kanilang mga sasakyan sa mga lugar na ipinagbabawal upang hindi na makapagdulot ng malalang trapik sa mga kalsada.