-- Advertisements --

Karagdagang 25 players ang isinailalim sa quarantine bago magsimula ang Australian Open.

Ayon sa mga organizers, lulan ang naturang mga players sa isang flight galing Doha patungong Melbourne kung saan isang non-player passenger ang nagpositibo sa coronavirus kahit na nagnegatibo ito bago lumipad.

Kaya naman, umakyat pa sa 72 ang kabuuang bilang ng mga players na inilagay sa 14-day hotel quarantine sa Melbourne.

“There were 58 passengers on the flight, including 25 players. All are already in quarantine hotels,” saad ng tournament organizers sa Twitter.

“The 25 players on the flight will not be able to leave their hotel room for 14 days and until they are medically cleared. They will not be eligible to practice,” dagdag nito.

Iginiit naman ni Australian Open chief Craig Tiley na tuloy pa rin ang pagsisimula ng Grand Slam tournament sa Pebrero 8.