-- Advertisements --
Karagdagang 25 katao ang napatay ng Myanmar security forces sa nangyaring komprontasyon sa mga kalaban ng military junta sa isang bayan sa sentro ng Southeast Asian nation na Depayin, Sagaing region.
Hindi naman nagbigay pa ng komento ang militar kaugnay sa nasabing pangyayari.
Inambus ng mga armed terrorist ang security forces na nagpapatrolya sa nasabing lugar na ikinamatay ng isang katao habang anim ang sugatan.
Umatras naman ang mga umatake matapos gumanti ang mga security forces.
Kung maalala, nagkagulo ang Myanmar matapos ideklara ng militar ang kudeta noong Pebrero 1 laban sa nahalal na pinuno na si Aung San Suu Ky. (with reports from Bombo jane Buna)