Nasawi ang 25 katao kabilang ang higit sa 1,000 ang nasugatan matapos sumabog ang Shahid Rajaee Port sa Iran noong Sabado, Abril 26.
Ayon sa mga opisyal, nagsimula ang pagsabog mula sa isang sunog sa imbakan ng mga kemikal at delikadong mga materyales.
Iniulat pa na isa sa mga sumabog ay ang sodium perchlorate, –isang sangkap sa paggawa ng solid fuel para sa mga missiles.
Patuloy pa rin ang makapal na usok sa lugar kahit 20 oras matapos ang pagsabog, at pansamantalang sinuspinde ang pasok sa mga paaralan at opisina sa kalapit na lugar dahil sa matinding polusyon sa hangin.
Naramdaman din ang pagyanig hanggang 50 kilometro ang layo.
Samantala nagpaabot naman ng pakikiramay si Iranian President Masoud Pezeshkian ng pakikiramay sa mga nasawi at iniutos ang masusing imbestigasyon.
Nagpahayag din ng suporta ang ibat ibang bansa tulad ng United Arabe Emirates (UAE), Saudi Arabia, Pakistan, India, Turkey, at maging ang United Nations.
Nagpadala naman ng tulong si Russian President Vladimir Putin.
Samantalang itinuturing pa ring aksidente ang insidente, naganap ito kasabay ng pag-uusap ng Iran at Estados Unidos sa Oman kaugnay ng programang nuclear ng Tehran. Nabataid na noong 2020 tinarget ng cyberattack mula sa Israel ang parehong pantalan.
Isinagawa naman ang tatlong araw na National Mourning sa Hormozgan Province.