-- Advertisements --
Nasa 25 katao ang nasawi sa naganap na pamamaril sa Rio de Janeiro.
Kabilang sa nasawi ang isang police habang ilang residente rin ang nasugatan.
Nangyari ang pamamaril sa kasagsagan ng police operation sa Jacarezinho area ng lungsod.
Naglunsad kasi ang operasyon ang mga kapulisan matapos na makatanggap sila ng ulat na mayroong drug traffickers ang nagre-recruit ng mga kabataan para sa kanilang gang.
Sinabi ni Police Chief Ronaldo Olveira na ito na ang pinakamalaking bilang ng nasawi sa isang police operation sa kanlang bansa.
Tumakas naman ang ilang mga suspek matapos ang nasabing insidente.