-- Advertisements --
Hindi bababa sa 25 katao ang nasawi sa naganap na suicide bombing sa train station sa southwestern Pakistan.
Ayon kay Commissioner Hamza Shafqaat na mayroon pang 53 iba pa ang sugatan sa pag-atake na naganap sa Quetta City.
Nangyari ang insidente sa main platform ng railway station ng umaga mismo.
Inako ng militant group na Baloch Liberation Army (BLA), ang nasabing insidente.
Nagsasagawa na ng malawakang imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.