BUTUAN CITY – Nagnegatibo ang resulta sa isinagawang random drug test sa 25 na personahe sa Provincial Intelligence Unit sa Agusan Del Norte Police Provincial Office.
Ginawa ito kasabay sa flag raising ceremony noong lunes, Marso 13.
Ayon kay Police Lt. Col. Jude Cres Milan sa Agusan Del Norte Police Provincial Office na ginawa ang random drug test sa Agusan Del Sur Provincial Crime Laboratory Office sa pangunguna sa Forenisc Chemist na si PMAJ CHARITY CACERES.
Ito ang initiative ng bagong leader ng intelligence unit na si Police LT. COL GAUVIN T GUANZON at ayon na rin sa pinaigting na kampanya ng regional director sa Police Regional Office o PRO-13 na internal cleansing.
Ayon sa opisyal na pagpapakita ito sa kumunidad na role model ang kapulisan kasabay sa pahayag na pinatutunayan nito na drug free ang Provincial Intelligence Unit sa Agusan Del Norte Police Provincial Office.