LAOAG CITY – Aabot sa 25 na mga Pilipinong seaman ang naka-quarantine sa isang hotel sa lungsod ng Florence, Italy, matapos dumaong ang isang commercial cruise ship na Costa Luminosa sa Savona, Italy.
Ito ang report ni Bombo International News Correspondent Demetrio Rafanan ng Rome, Italy.
Sinabi niya na agad inilipat ang mga Filipino crew sa isang hotel sa lungsod ng Florence para doon i-quaratine matapos sumailalim sila sa blood test at nalaman na sila ay positibo sa COVID-19.
Karamihan sa mga Pilipino na nakaquarantine ay nasa Demidoff Country Resort-Firenze.
Nalaman nito na nanggaling ang cruise ship sa Marsiglia, France.
Dagdag ni Rafanan na aabot sa 248 ang mga nagtatrabahong crew sa nasabing cruiseship ang napauwi na noong Marso 27 sakay sa isang chartered plane na inorganisa ng Costa Luminosa Cruise, Magsaysay Agency, Capitaneria-Italian government, POLO Milan-Philippine government.
Sa ngayon, nasa 101,739 ang kaso ng COVID-19 at 11,591 ang mga namatay sa Italya.