-- Advertisements --

Nakilahok ang dalawampu’t limang (25) Port Management Office sa isinagawang Kapihan sa Bagong Pilipinas nationwide ngayong araw, ika-4 ng Hunyo taong 2024.

Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng diskusyon sa mga naisagawang proyekto ng mga ahensya ng gobyerno partikular sa mga attached-agency ng Department of Transportation (DOTr).

Nagbigay ng presentasyon ang PPA PMOs sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kasalukuyang estado ng mga daungan sa buong bansa at mga proyekto na isinasagawa at sisimulan para sa mas maayos na serbisyo sa pantalan.

Kabilang sa mga proyekto na isinasagawa ng PPA ang mga bago at modernong Passenger Terminal Building tulad ng nasa Batangas Port at Tubigon Port sa Bohol.

Mayroon ding mga cruise terminal na inaasahang magbubukas ngayong taon tulad ng Jubang Cruise Terminal sa Siargao.

Patuloy ang PPA sa paglalapit ng mga mensahe at proyekto ng pamahalaan tungo sa Bagong Pilipinas.