-- Advertisements --
Sasailalim sa libreng pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda-12) ang 25 mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Midsayap, Cotabato.
Ang mga benepisyaryong PWDs ay myembro ng Association of Differently Abled Person.
Sila ay sasanayin sa Bread and Pastry Production at Entrepreneur Training sa loob ng 18 araw.
Kapag sila ay makakapagtapos at makapasa sa naturang kurso ay makakatanggap ang mga ito ng National Certificate at mga tool kits na magagamit sa pag-uumpisa ng kanilang magiging negosyo.
Para kay TESDA North Cotabato Provincial Director Norayah Acas, hindi aniya tinitignan ang mga disabilities ng mga benepisyaryo nito kundi ang kanilang mga abilities para sila ay matuto.