-- Advertisements --

CEBU CITY – Lumabas na ang resulta sa 31 samples ng mga pasyente’ng isinailalim sa COVID-19 test sa lalawigan ng Cebu kung saan 25 sa mga ito ang nagnegatibo sa coronavirus disease.

Nilinaw ni Dr. Jaime Bernadas ang regional director ng Department of Health Region-7 na kinunan din nila ng sample ang iba pang limang suspected COVID-19 patients na namatay.

Pero hindi pa nila masabi na positibo ang mga ito hangga’t wala pa ang resulta.

Sa data na ipinalabas ngayon ng DOH-7, isang senior citizen ang PH1 na may hypertension, electrolyte imbalance; PH2 ang isang 67-anyos na mayroong ubo ngunit namatay dahil umano sa cardiac arrest; PH3 ang isang 40-anyos na may initial diagnosis na sepsis tuberculosis, diabetes at multiple imbalance ; samantala ang PH4 ang merong liver function problem; at ang PH5 ay ang 71-anyos na nakitaan ng esthatus assthmaticus o asthma.

Giit pa ni Bernadas, nagsasagawa na ang ahensiya ng pro-active containment ng mga nakasalamuha ng mga pasyenteng pinaniniwalaang may sintomas ng COVID-19 habang nagpapatuloy naman ang confirmation ng mga isinagawang swab test.

Plano rin ngayon ng ahensya na maglagay ng containment facility at surveillance para sa Severe Acute Respiratory Infection (SARI)

Dagdag din ng director magsasagawa rin sila ng press conference at pinayuhan ang mga reporters na sa bahay na lang magtrabaho para sa kanilang kaligtasan ngunit patuloy naman umano ang kanilang pagbibigay ng updates sa pamamagitan ng kanilang social media account.