-- Advertisements --
Hawak na ng mga otoridad sa Beirut ang 25 suspects sa naganap na pagsabog.
Sinabi lead investigative judge Fadi Sawan, na una na nilang naaresto ang 21 suspects at pinakahuling naaresto ay ang apat na natitirang suspek.
Kinabibilangan ito ng head ng military intelligence ng port at major ng State Security agency at dalawang miyembro ng General Security agency.
Magugunitang sumabog ang ilang libong toneladang ammonium nitrate ang sumabog na nakatago sa port ng Beirut noong Agosto na ikinasawi ng mahigit 180 katao at ikinasugat ng 6,500 na iba pa.