LA UNION – Aabot sa 250 katao o katumbas ng 70 families ang inilikas sa mga evacuation centers sa bayan ng Bauang at San Fernando City dahil sa malawakang pagbaha sa La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office head Joel Caniezo, kabilang sa mga inilikas ang mga residente mula sa Barangay Baccuit Norte, Accao, at Central East sa bayan ng Bauang.
Ayon sa kanya, nasa mabuti naman kalagayan ang mga evacuees kung saan nabigyan na rin sila ng kanilang mga kailangan.
Aabot naman sa 31 families o 110 individuals ang inilikas sa evacuation center sa siyudad ng San Fernando.
Maliban sa inilikas na mga bakwit, nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa Barangay Accao, Barangay Amalapay sa bayan ng Tubao, Brgy. Bimmutobot sa bayan ng Naguilian at Barangay Lipay sa bayan naman ng San Gabriel.
Sa ngayon hindi pa rin madaanan ang ilang kalsada sa central business ng siyudad.