Iniimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang initial list ng 250 social media influencers kaugnay sa kanilang tax compliance.
Naglabas na ang BIR ng Letters of Authority (LOAs) para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga social media influencers na may mga malalaking kita.
Sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang mga social media influencers na kumikita ng pera mula sa kanilang posts sa digital media ay iniuri bilang self-employed individuals o mga taong nakikibahagi sa negosyo bilang isa sa mga nagmamay-ari.
Dahil dito, ang kanilang mga kita sa pangkalahatan ay isinasaalang-alang bilang kita sa negosyo, tulad ng tinukoy sa ilalim ng BIR’s Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 97-2021 na inilabas noong Agosto 16.
Base sa circular, ang mga influencer ng social media ay tinukoy bilang mga nakukuha ang kanilang kita mula sa mga sumusunod na mapagkukunan: You Tube Partner Program; sponsored social and blog posts; display advertising; brand representative/ambassador; affiliate marketing; co-creating product lines; promoting own products; photo and video sales; digital courses, subscriptions, e-books at podcasts at webinars.