GENERAL SANTOS CITY- Umabot sa 2,500 na mga displaced workers ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa local government unit (LGU) ng General Santos City.
Ang naturang mga empleyado ang nawalan ng trabaho matapos ang pagkasunog ng Gaisano Mall of GenSan noong October 16, 2019 sa kasagsagan ng 6.3 magnitude na lindol sa General Santos.
Bawat isa sa kanila ang nakatanggap ng P8,400 na ipangako ng lokal na pamahalaan ng GenSan.
Ikinagalak naman ng naturang mga empleyado ang tulong pinansyal sa kanila na iilang buwan ding nakatingga matapos mawalan ng hanapbuhay.
Matapos ang insidente nagsagawa kaagad ng assessment ang City Social Welfare and Development Office para matulungan ang nasabing mga displaced workers.
Lumalabas na nakapasok ng trabaho ang mga cashier matapos kinuha ng isang mall sa lungsod matapos naggsagawa ng jobs fair ang LGU GenSan para agad na mahanapan ng trabaho ang mga biktima ng sunog ng Gmall.