Nasa kabuuang 2,500 pulis ang idedeploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbigay seguridad sa paggunita ng ika-34th anniversary ng EDSA People Power Revolution bukas.
Ayon kay NCRPO chief MGen Debold Sinas sa nasabing bilang 251 personnel ang manggagaling sa joint task force NCR ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang 648 tauhan naman mula Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang mangangasiwa sa trapiko sa mga lugar kung saan magkakaroon ng kilos protesta.
Epektibo alas-4:00 ng madaling araw bukas nasa full alert status na ang NCRPO.
Siniguro ni Sinas na in-placed ang kanilang security preparation.
Lahat ng mga pulis naka standby.
Magkakaroon na rin ng intensified checkpoint operations ang PNP.
Wala din silang namomonitor na banta na posibleng magdulot ng kaguluhan.
Inihayag din ni Sinas na apat na lugar ang kanilang tinitignan na pagdarausan ng mga kilos protesta.
Ito ang mga lugar sa National Housing Authority, the Philippine Coconut Authority, ABS-CBN compound, at Welcome Rotonda.
Bukod sa mga kilos protesta, magkakaroon din ng regular na programa sa paggunita ng 34th anniversary ng Edsa People Power Revolution na magsisimula ng alas-7:00 ng umaga at magtatapos ng alas-10:00.
Nakahanda naman ang NCRPO na magsagawa ng dialogue sa mga protesters para maiwasan ang anumang mainit na komprontasyon sa pagitan ng mga pro at anti-Duterte rallyist.
Inihayag ni Sinas na No Permit, No Rally policy ang paiiralin ng PNP.
Hindi naman magdedeploy ang NCRPO ng kanilang Civil Disturbance Management (CDM) team.
Aniya, hahayaan nila ang mga rallyista na maipahayag ang kanilang mga damdamin.