-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng PNP Crime Laboratory na hindi sa kanilang evidence room nakakakuha ng shabu ang naarestong si PSupt. Lito Cabamongan na nahuli sa akto na gumagamit ng droga.

Sa isinagawang inventory ng crime lab lumalabas na wala namang nawawalang ebidensya sa kanilang evidence room at wala rin umanong access dito si Cabamongan.

Ayon kay PSupt. Victor Drapete, chief chemistry division ng crime lab na mahigpit ang seguridad sa kanilang evidence room kung saan tatlo lang ang may hawak ng susi.

Kabilang dito ang kanilang director, ang division chief at ang mismong evidence custodian.

Sinabi ni Drapete na sa record ng crime lab aabot sa isang toneladang shabu ang laman ngayon ng kanilang evidence room kung saan pinakamalaking bulto nito na nasa mahigit 44 kilo ay ipinasok noong 2015.yak ng opisyal na nananatiling intact sa kanilang evidence room maging ang mga nasabat na ebidensya noong pang 1977.

Hindi raw kasi maaring basta na lang sirain ang naturang mga ebidensya hanggat wala silang hawak na court order para rito.