-- Advertisements --
dswd2

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development na aabot sa  25,224 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Western Visayas ang aalisin na sa programa.

Sa isang media forum, sinabi ni Belen Gebusion, head ng 4Ps ng DSWD-Western Visayas, na batay sa datos ng departamento , kasama ang Negros Occidental, pati na ang Bacolod sa may pinakamaraming bilang ng mga benepisyaryo ng ang tuluyan nang aalisin .

Ito ay may kabuuang bilang na 7,770 beneficiaries.

Sinundan ito ng Iloilo na may  5,433, Antique na may 4,672, Capiz, 4,547,  Aklan, 731 at Guimaras ba mayroong 659.

Ayon kay Gebusion sa isinagawang re-assessment ng kanilang ahensya  noong Agosto, ang mga benepisyaryo na ito ay nakakatustos na sa pangangailangan ng kanilang pamilya, dahil mayroon na silang miyembro ng pamilya o mga anak na may trabaho.

Ang mga datos na ito ay ituturover ng kanilang ahensya sa mga local government units para sa aftercare at upang matag na ito bilang “non- poor”.

Sinabi ni Gebusion na ang hakbang na ito ay magbibigay ng pagkakataon sa iba pang mahihirap na sambahayan na maging bahagi ng programa at makakuha ng cash grants.

Kung maaalala, ang DSWD -Bicol ay nakapagtala ng aabot sa 369,242 active households na kabilang sa programa. 
Sinabi rin ng opisyal na ang target na coverage ng 4Ps sa rehiyon ay 345,919, ngunit lumampas ito  sa bilang ng humigit-kumulang 23,000.

Patuloy rin ang delisting na isinasagawa ng ahensya para sa mga benepisyaryo na may mga  naging paglabag.