Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na humigit-kumulang 255 na mga POGOs ang kanilang kinansela at tinanggalan ng lisensya para makapag operate noong Setyembre 2023.
Pangunahing dahilan ay ang pagkakasangkot ng mga ito sa kriminal na aktibidad.
Ayon kay Alejandro Tengco, PAGCOR chairman and chief executive officer, nang siya ay maupong chairman at CEO ng PAGCOR humigit kumulang sa 298 licenses ng POGO ang hawak nila.
Matapos nag kanilang pag-aaral, natukoy nila na karamihan sa mga ito ay hindi nag o-operate bilang overseas gaming.
Kabilang aniya sa mga ilegal nitong ginagawa ay credit card fraud, investment fraud, cryptocurrency fraud, love match at love scam fraud.
Matatandaan, nagpatupad si Tengco ng mga reporma sa offshore gaming sector noong nakaraang taon para alisin ang mga operator na sangkot sa mga aktibidad na hindi sinanction ng PAGCOR.