Nasa 257 na mga Pilipino mula sa Uzbekistan ang nakauwi na sa bansa sa gitna pa rin ng mga pangambang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dumating ang mga repatriates sa Ninoy Aquino International Airport lulan sa isang chartered flight ng Philippine Airlines (PAL).
Ito ang kauna-unahang repatriation flight na isinagawa sa isang bansa sa Central Asia.
“To understand the importance of this flight is to be reminded of the difficult conditions under which this special flight was mounted. The Philippines does not have an embassy, let alone an honorary consulate, in Uzbekistan. In addition, there is a total lockdown. This means commercial flights are also prohibited,” pahayag ni Usec. Sarah Lou Arriola.
Ang nasabing mga repatriates, na karamihan ay mga dokumentadong overseas contact workers, ay humiling na mapauwi na sa Pilipinas bunsod ng health crisis.
Sinabi pa ni Arriola, na-test na raw ang mga Pinoy sa COVID-19 bago sila payagang makasama sa flight.
“We are thankful that all repatriates tested negative for the COVID-19 virus,” dagdag nito.
Pinuri rin ng DFA ang flag carrier sa pagtulong nito sa misyon, kung saan kasama ang pag-uwi sa bangkay ng isang namatay na Pinoy.
Bago makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan, sasailalim muna ang mga repatriates sa mandatory quarantine procedures.