-- Advertisements --

Umakyat na sa 259 ang mga kumpirmadong patay sa flash flood na dulot ng bagyong eThekwini Durban City at iba pang lugar sa South Africa.

Ito ay matapos na matabunan nang gumuhong lupa ang mga kabahayan doon nang dahil sa nasabing pagbaha.

Ipinahayag ito ni Provincial Disaster Management Department spokesperson Nonala Ndlovu habang inilarawan naman ni President Cyril Ramaphosa ang nasabing pagbaha bilang “catastrophe” at “calamity”.

Bukod dito ay hindi rin nakayanan ng mga tulay at kalsada ang baha dahilan para ikasawi ng maraming mga indibidwal.

Marami ring mga indibidwal ang pinangangambahang nawawala kung kaya’t nagpapatuloy pa rin aniya ang ginagawang search and rescue operations dito ng mga awtoridad.

Samantala, sa ulat ay ito na ang pinakamalakas na pag-ulan sa loob ng 60 taon na naranasan ng Durban City at ito na anila ang pinakanakamamatay na bagyong naitala sa kasaysayan ng South Africa.