Kinumpirma ng Russian embassy sa Pyongyang na nagpadala ang Russia ng 25,000 toneladang food aid shipment para sa North Korea.
Sa Facebook post ng embahada, sinabi nito na bumisita sa pantalan ng Nampho si Ambassador A. Matsegora kasama ang iba pang Embassy diplomats kung saan dumating ang isang cargo ship na may watawat ng Sierra Leone sakay ang 25,0000 toneladang bigas mula Novorossiysk.
“Due to the fact that the ship’s crew is quarantined and unloading is carried out in an isolated area of the port, it was necessary to observe the well-coordinated, accurate work of the Korean dockers and railway workers from afar,” saad pa sa post.
Halos 40 bagon ng bigas ang tutungo ng Pyongyang araw-araw kung saan ilalagay ito sa imbakan. Tinatayang matatapos ang unloading ng mga bigas sa May 26-27.
“The representative of the Ministry of Foreign Affairs of the DPRK who accompanied us said that they highly appreciate the humanitarian assistance provided by our country in this difficult time.”
Kamakailan lamang ay nagbabala ang United Nation na 10.4 milyong North Koreans o halos 4 sa bawat 10 tao sa naturang bansa ang kakailanganin ng nutritional support.
“The people of the [DPRK] remain caught in a protracted cycle of humanitarian need that, notwithstanding tense geopolitical dynamics, necessitates prioritization and action from the global community,” ani Frode Mauting, resident coordinator ng UN sa Pyongyang.
“If we are to limit and mitigate the impact of food insecurity of the most vulnerable in the country, including women and children,