Agad nanumpa bilang Gobernador ng probinsya ng Cavite si Vice Gov. Athena Bryana Delgado Tolentino, kasunod na rin ng pag-alis ni dating Governor at ngayon ay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Si Tolentino ang magiging kauna-unahang babaeng gobernador ng Cavite. Siya rin ang kauna-unahang nagsilbi bilang bise gobernador ng naturang probinsya.
Nanalo siya sa pagka bise-gobernador ng Cavite noong 2022 elections sa edad na 24. Bago nito ay nagsilbi siyang City Councilor ng Tagaytay City mula 2019 hanggang 2022.
Siya ay anak ni Philippine Olympic Committee (POC) Chairman at Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino.
Sa kanyang pag-upo bilang Gobernador, nangako siyang itutuloy niya ang mga programa at proyektong nasimulan ni Sec. Jonvic.
Sa edad na 26, si Tolentino ay isa sa pinakabatang provincial governor sa kasaysayan ng Pilipinas, sunod kay dating Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte (24 yrs old) na nagsilbi mula taong 2013 hanggang 2022.