-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng Butuan City Police Station-1 ang naganap na pananaksak pasado alas-10:15 kagabi sanhi ng pagkamatay ng isang dalaga.

Nakilala ang biktimang si Red Jean Moscoso Alfeche, residente ng Purok 3, Brgy. Banza nitong lungsod ng Butuan.

Ayon sa ama ng biktimang si Alan Obando Alfeche, narinig na lamang niyang sumigaw ang kanyang anak at nang kanyang nirespondehan, ay nakita niya ang isang lalaking lumabas sa sirang dingding ng kanilang bahay suot ang kulay itim na pantalon atg sweat shirt sabay angkas sa nag-aantay sa kanyang motorsiklo sa labas at tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Mahogany.