Agad sinimulan ni bagong Cavite Gov. Athena Tolentino ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng kanilang lalawigan.
Si Tolentino ay dating bise gobernador at umakyat bilang punong lalawigan makaraang mai-appoint ang dating gobernador na si DILG Sec. Jonvic Remulla.
Sa edad na 26, si Gov. Athena ang pinakabata at unang babaeng gobernador ng probinsya ng Cavite.
Ipinanganak siya noong June 11, 1998.
Siya ay miyembro ng National Unity Party (NUP).
Una rito, nanumpa na ang gobernadora kahapon, kung saan sinamahan siya ng kaniyang amang si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, inang si Agnes Tolentino at ilang malalapit sa kaniya.
Ang pag-akyat ni Gov. Tolentino ay kasunod ng appointment ni Sec. Jonvic bilang pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG), kung saan humalili naman siya sa nagbitiw na si Sec. Benhur Abalos Jr.
Nabatid na si Abalos ay tumatakbo bilang senador.