CENTRAL MINDANAO- Nanguna ngayon ang bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao na may mataas na marka o high performance sa kampanya sa pinagbabawal na droga.
Itoy base sa 2019 Anti Drug Abuse Council (ADAC) results sa lalawigan ng Maguindanao sa pagsisikap ng mga Local Government Units (LGU) sa pinaigting na kampanya sa ilegal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanguna sa survey at monitoring sa bawat LGU ang Philippine National Police (PNP) Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Department of Interior and Local Government (DILG) at mga respresentante mula sa Civil Society Organization (CSO).
Mga bayan sa Maguindanao na nasa High Performance sa war on drugs ay ang mga sumusunod;Datu Montawal,Ampatuan,Barira,Buldon,Datu Abdullah Sangki,Datu Paglas,Datu Piang,General SK Pindatun,Guindulungan, Mother Kabuntalan,Mamasapano,Matanog,Pagalungan,Paglat,Pandag,Parang,Radjah Buayan,Shariff Aguak,Shariff Saydona Mustapha,South Upi,Sultan Kudarat,Sultan Mastura,Sultan Sabarongis,Talitay,Datu Saudi Ampatuan at North Upi Maguindanao.
Low Performance ang mga bayan ng Mangudadatu,Moderate-low ang mga bayan ng Buluan,Datu Anggal Midtimbang,Datu Blah Sinsuat,Datu Hoffer Ampatuan,Datu Salibo.
Moderate-High Performance naman ang mga bayan ng Datu Unsay,Datu Odin Sinsuat,Northern Kabuntalan at Talayan.
Sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvinal Azurin na posibling magbago ang marka (ratings) ng bawat LGU depende sa pagsisikap nila sa kampanya sa pinagbabawal na droga.
Matatandaan na ang lalawigan ng Maguindanao ay may pinakamaraming Barangay na drug cleared at Drug Free sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.