Nagbitiw sa kanilang mga pwesto ang mga ministro ng gabinete ng Sri Lanka matapos ang mga protesta kaugnay sa paghawak ng gobyerno sa pinakamalalang krisis sa ekonomiya.
Nasa 26 na ministro ang nagsumite ng kanilang letters of resignation maliban kay Prime Minister Mahinda Rajapaksa at ang kanyang kapatid na si Pangulong Gotabaya Rajapaksa.
Nilabag ng mga protester ang curfew at pumunta sa mga lansangan sa ilang mga lungsod upang magprotesta.
Napag-alaman na ang bansa ay nakikipagbuno sa sinasabing economic crisis mula noong independence mula sa UK noong 1948.
Ito ay sanhi sa bahagi ng kakulangan ng foreign currency na ginagamit bilang pambayad para sa pag-import ng gasolina.
Sa mga pagkawala ng kuryente na tumatagal ng kalahating araw o higit pa, at mga kakulangan sa pagkain, mga gamot at gasolina, mas tumitindi ang galit ng publiko.
Sinabi ng Education Minister Dinesh Gunawardena sa mga mamamahayag na ang mga ministro ng gabinete ay nagsumite ng kanilang mga liham ng pagbibitiw sa punong ministro.
Kabilang ang sariling anak ng punong ministro na si Namal Rajapaksa, ang nagbitiw sa pwesto at umaasa siyang makakatulong ito sa “desisyon ng pangulo at PM na magtatag ng katatagan para sa mga tao at sa gobyerno.”
Magugunitang nagpataw si Pangulong Gotabaya Rajapaksa ng 36 na oras na curfew, isang araw pagkatapos ng mga sagupaan malapit sa kanyang tirahan.
Ang mga tao ay pinagbawalan na pumunta sa anumang pampublikong kalsada, sa isang parke, sa mga tren o sa dalampasigan maliban kung sila ay may written permission mula sa mga awtoridad, at ang access sa social media ay pansamantalang sinuspendi.