-- Advertisements --
HAITI SUSPECTS

Tinatayang nasa 28 gunmen ang nasa likod ng assassination kay Haiti President Jovenel Moise kung saan 26 dito ay Colombians at dalawang American citizens.

Ayon kay National Police director Gen. Leon Charles, naaresto ang 15 Colombians at dalawang Americans na may Haitian descent, at tatlong Colombians ang napatay habang walo pa ang at large.

Narekober din ang mga passports, automatic weapons, sledgehammers at lagare na ginamit ng mga suspek.

Nangako naman ang opisyal sa pagtugis sa walo pang assassins na pinaniniwalaang mga mercenaries kabilang na ang mastermind sa pagpaslang sa Haiti president.

Samantala, nasa stable na rin ang kalagayan ng Haiti first lady Martine Moise habang nasa protective custody naman ang tatlong naiwang anak ng slain President Jovenel Moise.

Haiti Police president
HAITI arms killed