-- Advertisements --

Nasa kabuuang 26 na mga loose firearms ang isinuko ng ilang mga local officials sa probinsiya ng Sulu.

Pinangunahan ni Sulu Police Provincial Director Police Colonel Pablo Labra II ang mga isinukong loose firearms.

Dumalo din sa nasabing seremonya sina Provincial Election Supervisor Atty. Udtog Tago, at Emili Kadiri Provincial Director ng DILG.

Ayon kay Colonel Labra, ang pagsuko ng mga loose firearms sa kanila ay dahil sa pinalakas na kampanya ng PNP laban dito.

Kabilang sa mga isinuko na loose firearms sa PNP ay ang mga sumusunod: 1 M1 garand Rifle, 1 Cal. 45 pistol mula sa Patikul; dalawang M16 rifle at isang M203 mula sa bayan ng Maimbung; dalawang caliber .45 pistol mula sa Jolo, dalawang M1 Garand rifle mula sa Luuk, isang M79 40 mm mula sa tapul, dalawang M16 rifle, isang AK Norinco 5.56, isang M14 rifle, pitong cal .45 pistol, 1 9MM pistol at dalawang M1 Garand Rifle mula sa bayan ng Parang.

Ayon kay Labra 18 sa mga armas ay isinuko, walo dito ay for safekeeping.