(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Pansamantalang pinalaya ng batas ang 26 na tinaguriang ‘backdoor’ mountain climbers na unang naaresto sa loob ng protected area ng Mount Kitanglad na makikita sa bayan ng Impasug-ong,Bukidnon.
Ito ay matapos nakapaglagak na ng piyansa na tig-P30,000 bawat isa kanila dahil sa kasong paglabag ng Mt Kitanglad Range Protected Area Act of 2000 at walang entry permit na pumasok sa pang-apat na pinakamataas na bundok dito sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Impasug-ong Police Station commander Capt Ritchlie Murallon na dahil puwede mapiyansahan ang kiharap na special law violation ay tuluyang pinakawalan nila ang grupo na umano’y pinamunuan ng isang Harold Borja.
Sinabi ni Murallon na tinuturuan lamang nila ng leksyon ang nasabing mountain climbers para sa susunod ay marunong na itong gumalang sa cultural laws ng mga lumad at sa mismong kasalukuyang mga batas na nagbigay proteksyon sa mga bundok na tinatrato ng gobyerno na protected area.
Magugunitang naka-under rehabilitation pa ang bundok na pinasok ng mga akusado kaya sila naharang ng state forces at pinangaralan ng mga bumubuo ng Protecte Area Management Board nang nakababa na mula sa pinakatuktok na bahagi ng lugar.
Kabilang sa mga na-hold na climbers at kinasuhan ay sina Angel Ann Aglapasin;Raina Ramon ;Augustine Arandia;Laarni Zenia Gaor;Janet Antonio;Patricia Perez;Cyril Innis;Sarah Samson;Jennie Bangugulian;Paul Rogen Tupino;Jobert Eupalao;Romeo Abenir;Marlon Labay Jr;Gerard Andrew Bantug;Kevin Christian Esguerra Mark Andrew Arevalo;Keith John Julian;Rodel Valenzuela;Joven Santos;Allan Caroche;Aurellio Arevalo;Chris Angelico Sabornido;Edward Perez;Jose Marx Soguillon,Humphrey Offiaza na mula Cagayan de Oro at Borja na umano’y organizer ng backdoor climbing noong Disyembre 7,2022.
Napag-alaman na ang ‘backdoor’ climbing ay paraan ng ilang mountain climbers na hindi dumaan sa tamang proseso at nilabag ang partikular na mga batas.