-- Advertisements --
Patay sa sunog ang umaabot sa 26 na mga bata na nag-edad sa lima hanggang anim na taong gulang sa Niger, West Africa.
Ito ay matapos nilamon ng apoy ang kanilang paaralan na gawa lamang sa kahoy.
Maliban sa mga namatay, nasa 13 naman ang sugatan habang apat ang nasa kritikal na kondisyon.
Ang Niger ay isa sa pinakamahihirap na bansa sa mundo kung saan sinubukan nilang ayusin ang mga kakulangan sa mga gusali ng paaralan sa pamamagitan ng paggawa ng libu-libong dayami at kahoy na shed upang magsilbing mga silid-aralan, na kung minsan ay nakaupo sa lupa ang mga bata.
Dahil sa nasabing pangyayari, nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa sa rehiyon ng Maradi mula ngayong araw.