Makalipas ang halos isang linggo, muling namataan ang 26 na Chinese aircraft at 5 naval vessels sa Taiwan sa nakalipas na 24 oras.
Noong Abril 27 lamang kasi na-detect din ng Taiwan defense ministry ang nasa 22 22 People’s Liberation Army aircraft na pumasok sa air defense identification zone nito.
Ngayong araw naman ng Biyernes, base sa inilabas na statement ng Taiwan defense ministry, tumawid sa median line ang 17 mula sa 26 na Chinese aircraft saka pumasok sa northern at central air defense identification zone ng isla.
Ang presensiya ng Chinese air at sea assets sa lugar ay ilang linggo na lamang bago ang nakatakdang inagurasyon ng bagong pangulo ng Taiwan na si president Lai Ching-Te na itinuturing ng China bilang dangerous separatist na nagsusulong sa ganap na kasarinlan ng Taiwan.